Umuwi ka na

Umuwi ka na

Sabi mo sa akin umuwi na ako. Mga isang buwan na rin noong huli tayong nagkita. Mga isang buwan na rin naaalala kita sa mga maliliit na bagay.

Umuwi ka na. 

Bakit mo kaya sinabi ‘yon sa akin? Ang dami kong pinag-iisipan na nagawa ko sana. Sana hindi na lang ako kumibo nung nararamdaman kong nag-iiba na. Sana hindi na kang kita pinaniwalaan. Sana hindi na lang ako nadala. Sana hindi na lang ako naghanap pa. Sana hindi na lang kita tinext. Sana wala na lang akong paki. Pero sa rami ng sana na gusto kong mangyari, nangyari pa rin ang nangyari: Nagkita tayo at nagkakilala nang kahit saglit lang. Dinaan natin sa sayaw yung gabi hanggang umabot tayo dito. Tumagal ng tatlong linggo hanggang may bumitaw. Ako pa rin. Ikaw pa din. 

Umuwi ka na. 

Siguro never ko malalaman ang dahilan mo. Siguro hindi naman yon mahalaga. Dahil naka-isang buwan na rin naman. Siguro tama ka nung sinabihan mo ako na umuwi na. Siguro nga.